brownlle and balkman

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

4:30 n.h. -- TNT Katropa vs NLEX

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

6:45 n.g. -- Ginebra vs San Miguel Beer

Solong liderato ang tatangkaing masungkit ng TNT Katropa habang magsisikap namang makaahon mula sa ilalim ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa pagsalang nila ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioner ‘s Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Nangunguna ang Katropa taglay ang 5-1 karta kasalo ng Rain or Shine habang magkasunod sa ikawalo at ikasiyam na puwesto ang Beermen at Kings taglay ang markang 1-3 at 1-4, ayon sa pagkakasunod.

Makakasagupa ng Katropa sa unang laro ganap na 4:30 ng hapon ang NLEX Road Warriors habang ang SMB at Ginebra ang magtatapat sa huling laro ganap na 6:45 ng gabi.

Inaasahan ang pagbawi ng Kings na bigo pa ring makabalik ng winning track sa kabila ng pagbabalik ng kanilang import na si Justine Brownlee.

Huli silang natalo sa Meralco, 82-93, nitong Biyernes sa MOA Arena. (Marivic Awitan)