Ni NORA CALDERON

NAG-TRIM down na talaga ang katawan ni Alden Richards sa tuluy-tuloy niyang paghahanda para sa bago niyang serye sa GMA Network, ang action-drama-fantasy na Victor Magtanggol. Sumabak na siya sa iba’t ibang fitness training, na ang pinakahuli ay ang parkour.

alden

“I’m doing parkour training para meron po tayong mai-offer na bago sa action scenes,” sabi ni Alden. “Kaya may mga kalyo na tayo ngayon (sa kamay).” 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa interview sa kanya sa Chika Minute ay ipinakita ang parkour training ni Alden, gayundin ang mga kinalyo na niyang kamay. Kaya naman ang biro ngayon kay Alden, nawala na ang burger niya, ‘ ‘yung extra fat sa kanyang beywang.

“Marami po akong gagawing action scenes dito, lalo na kapag pumasok na iyong mga makakalaban ko rito, excited na po akong magamit ang mga pinag-aralan ko. Naisip ko siyang gawin kasi siya ‘yung magagamit talaga na skill. Iyon kasing pagtalon sa mga bubong, ‘ yung mga pagbaba from a certain floor to another floor, ganun din siya ka-intense,” kuwento pa ni Alden.

Espesyal din kay Alden ang Victor Magtanggol, na bukod sa extra challenging ang magiging character niya sa show, na first time niyang gagampanan, siya rin ang naatasang kumanta ng theme song nito na Superhero Mo Ako, kasama ang Pinoy hip-hop group na Ex-Battalion, na sumulat naman ng kanta.

Nailabas na ang lyric video ng Superhero Mo Ako, na umani na ng maraming likes, comments at shares, at marami na ang naghihintay na makita ang full trailer ng Victor Magtanggol. Sa katunayan, nasa top spot na ng trending topics sa Twitter Philippines, at nakakuha rin ng positive reactions mula sa netizens ang lyric video ng Superhero Mo Ako.