CAMP MACABULOS, Tarlac City – Bugbog-sarado ang kapitan ng Barangay Capehan, Tarlac City makaraang pagtulungang gulpihin ng tatlong kabarangay, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay provincial director Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, isinugod sa ospital si Barangay Chairman Leonardo Lacsa, 65.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Aldrin Dayag, ginulpi si Lacsa nina Norberto Sanchez, 25; Nestor Parado, 21; at Mel Jayson Meneses, 25, pawang residente ng Bgy. Capehan.

Sinasabing nagalit ang mga suspek dahil sa pagkabigo ng kapitan na matapos ang pagpapagawa ng covered court sa naturang barangay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakakulong ang mga suspek sa Police Community Precinct-4 at nahaharap sa kasong direct assault at malicious mischief.

-Leandro Alborote