Maaaring sa Hulyo o sa unang bahagi ng Agosto ng kasalukuyang taon ay matatapos na ang pagpapaganda sa Cavite Expressway (Cavitex), ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

Ang proyekto sa Cavitex ay binubuo ng konstruksiyon ng flyover sa southbound lane at pagpapalawak sa magkabilang direksiyon ng expressway.

Ayon kay Cavite Infrastructure Corporation President Luigi Bautista, sinimulan ang proyekto noong nakaraang taon at inaasahang matapos sa huling bahagi ng Hulyo o sa unang bahagi ng Agosto 2018.

Naglaan ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) ng P700 milyon sa Cavitex enhancement project.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon kay Villar, dahil sa nasabing proyekto ay mababawasan ng 15-20 minuto ang biyahe sa Cavitex.

-Betheena Kae Unite