Dahil sa kawalam ng quorum hindi naipasa sa Senado ang P1.16 bilyon supplemental budget para sa kabataang naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Senator Loren Legarda, dakong 2:00 ng madaling araw nang maisalang ang usapin pero hindi na natalakay dahil sa kawalan ng quorum

Si Senate Minority Leader Senator Franklin Drilon ang nagkuwestiyon ng quorum.

“The rule is, we should have a quorum to discuss, take up any business. We’re here but unfortunately there are not enough of our colleagues in the hall to constitute a quorum and therefore we could not conduct business,” ani Drilon.

Tsika at Intriga

Gigi De Lana banned sa ABS-CBN, GMA?

Sinabi ni Legarda agad naman nila itong tatalakayin sa pagbalik ng sesyon sa Hulyo 23.

-Bert De Guzman