HATAW si Kean Baclaan sa naiskor na 21 puntos para sandigan ang defending champion San Sebastian Staglets sa 83-70 panalo kontra First City Providential College of Bulacan sa junior division ng 24th Fr. Martin Cup summer tournament sa St. Placid gymnasium sa San Beda-Mendiola Campus sa Manila.

Nag-ambag si Rafael Are ng 15 puntos sa Staglets para sa unang panalo sa apat na laro sa torneo na itinataguyod ng Cocolife.

Bunsod ng panalo, naibawi ng Staglets ang manipis na 84-82 kabiguan sa University of Perpetual Help Junior Altas.

Sa iba pang laro, nanaig ang Paco Catholic Foundation sa San Beda-Rizal B, 67-55, habang nadomina ng St. Patrick School ang San Beda-Manila, 97-71.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa naunang resulta kumamada si Sydney Mosqueda ng 16 puntos sa La Salle Greenhills Greenies para sa 107-77 dominasyon sa St. Patrick School.

Sa women’s action, nanguna sina Valerie Mamaril at Mary Ann Bastatas para sa Far Eastern University Lady Tamaraws, 81-71, kontra University of the Philippines Lady Maroons.