Maikli lang ang mensahe ng Malacañang sa napatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno makaraang maghain ito ng apela upang baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema na pumabor sa quo warranto petition laban dito.

Sa press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hangad niya ang “the best” para kay Sereno, at nanawagan n asana ay hintayin nitong makumpleto ang proseso.

“May proseso po ‘yan, sundan ang proseso and we wish her the best,” ani Roque.

Sinagot din ni Roque ang sinabi ng Sereno na patuloy itong inuusig ng administrasyong Duterte, partikular ang umuusad na imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban dito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Well, I think for now she should worry whether or not her own colleagues will uphold their rulings against her,” sabi ni Roque.

Una nang itinanggi ni Pangulong Duterte na may kinalaman siya sa pagpapatalsik kay Sereno sa puwesto.

Ang quo warranto petition ay inihain ni Solicitor General Jose Calida.

-Argyll Cyrus B. Geducos