Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na P8.3 bilyon ang inilaan nito para sa konstruksiyon, pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga kalsadang panlalawigan ngayong taon.

Nabatid sa panayam kay DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año, ito ay upang mapagkalooban ng Conditional Matching Grant to Provinces for Road and Bridge Repair, Rehabilitation and Improvement Program (CMGP) at makumpleto ng mga lalawigan ang kanilang Local Road Network Development Plan (LRNDP).

Ang LRNDP ay naglalaman ng transparent at predictable multi-year program ng mga kalsadang kailangang ayusin sa susunod na limang taon bilang suporta sa local economic drivers, kabilang ang agrikultura, kalakalan, logistics at sentro ng turismo.

Aniya, kailangang isumite ang mga ito upang maipalabas ang P8.3-bilyon pondo para sa pagpapagawa ng mga kalsada, sa ilalim ng CMGP.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa 81 lalawigan, siyam ang nakakumpleto na ng LRNDP, kabilang ang Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Marinduque at Camarines Norte.

Samantala 72 pang probinsiya ang nasa iba’t ibang estado ng pagkumpleto ng kanilang mapa, na bahagi ng LRNDPs.

-Jun Fabon