LUCENA CITY, Quezon - Patay nang manlaban ang isang murder suspect habang arestado ang tatlo pa na nahuli sa aktong nagrerepake ng umano’y shabu dito, kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ang napatay na si Ruben V. Amada, alyas Scot; arestado naman sina Cryil Avila, live-in partner ni Amada; Jonathan Gonzales; at Val Villanueva.

Ayon kay Albacea, isinilbi ng Lucena City police ang warrant of arrest laban kay Amada sa Purok Pagkakaisa, Barangay Cotta dito, dakong 12:00 ng madaling araw.

Nakahalata umano si Amada kaya binaril ang awtoridad at nagkapalitan ng bala hanggang sa tumimbuwang ang una.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

-Danny J. Estacio