NOVEMBER last year nagsimula ang Kambal Karibal na hanggang sa ngayon ay hindi pa alam kung kailan magtatapos. Kaya naman nami-miss na agad ng mga netizens si Jeric Gonzales, ang ‘parekoy/makoy’ at best friend ni Crisan (Bianca Umali) sa istorya.

Bianca & Jeric

Simula pagkabata, defender na ni Crisan si Makoy, iiwanan niya ang anumang ginagawa para lang masamahan si Crisan. Hanggang sa kailangan na nilang mag-college, sinamahan pa rin niya sa Maynila ang kaibigan, na sa kabila ng lahat ay hindi naman naging dependent sa kanya.

Ang pagkakaibigan nila ay napalitan ng lihim na pag-ibig ni Makoy sa dalaga pero itinago lang niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagkakilala rin sina Crisan at Diego (Miguel Tanfelix) noong mga bata pa rin sila at nang mapunta ng Manila, muli silang nagkakilala. Between Diego at Mackoy, si Diego ang minahal ni Crisan, si Makoy na hanggang kamatayan ay dinala ang pagmamahal kay Crisan na hindi nito nasuklian.

Kaya ngayong patay na ang character ni Makoy, nami-miss na siya agad ng viewers, bakit daw kailangang mamatay agad ang character niya.

At maging si Crisan, hindi rin matapus-tapos ang pagsisisi at paghingi ng kapatawaran kay Makoy na sumalo ng bala ng baril ni Raymond (Marvin Agustin) na siya sana ang tatamaan.

Alam na rin ni Jeric na mamamatay na ang character niya, pero nanghihinayang man at mami-miss ang mga kasama sa Kambal Karibal, kailangan na siya sa bagong project niyang Ika-5 Utos na reunion nila nina Jake Vargas at Inah de Belen. Una silang nagkasama-sama sa afternoon prime drama na Oh, May Mama.

Iyon din ang reason kaya pinatay na ang Teresa character ni Jean Garcia sa “Kambal Karibal” dahil nagsimula na silang mag-taping, under Laurice Guillen.

-NORA CALDERON