Timbuwang ang i sang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan umano sa mga pulis matapos nitong biktimahin ang isang babae sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang hindi pa nakilalang lalaki, na nagtamo mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang engkuwentro sa pagitan ng suspek at ng mga tauhan ng Special Operations Unit (SOU) sa Metropolitan Ave., Barangay Bel-Air, dakong 1:36 ng madaling araw.

Una rito, sakay sa itim na Yamaha Mio (walang plaka) ang suspek nang holdapin at hablutin umano ang cell phone ng isang babae sa panulukan ng Makati Ave. at Buendia, Bgy. Bel-Air.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Humarurot ang suspek ngunit nakahingi ng police assistance ang biktima at inalerto ang lahat ng posibleng lusutan ng suspek.

Nang maharang ang suspek na sa halip na sumuko, bumunot umano ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Bumulagta ang holdaper nang makipagbarilan sa awtoridad.

Narekober ang isang caliber .38 revolver, na may limang bala; isang motorsiklo; tatlong pakete ng hinihinalang shabu; at isang cell phone.

-Bella Gamotea