Arestado ang dalawang matandang babae matapos masamsaman ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Zamboanga City kahapon.

Ayon kay Senior Supt. Allan Nazarro, hepe ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), kinilala ang mga inaresto na sina Hadji Sitti Bairulla Jalaidi, 60; at Norma Ambani Awod, 63.

Sa report, isinagawa ang operasyon sa Veterans Avenue, Zamboanga City matapos ang surveillance ng pulisya.

Ayon kay Nazarro, si Jalaidi ay nasa kanilang listahan ng mga umano’y leader ng isang local drug group habang si Awod ay posibleng bago pa lamang sa gawain.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakuha sa mga suspek ang ‘di pa tukoy na dami ng droga, analogue phone at P7,000 cash.

Kinumpiska rin ang kotse na pinaniniwalaang ginagamit ng mga suspek sa transaksiyon.

-Fer Taboy