CONCEPCION, Tarlac – Isang farm worker ang nalambat sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay San Antonio sa Concepcion, Tarlac, nitong Lunes ng tanghali.

Positibo umano ang ikinasang buy-bust laban kay Ryan Miranda, 30, binata, makaraang mag-abot umano sa mga awtoridad ng plastic sachet ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu, kapalit ng P500 marked money.

Si PO1 John Sicat ang poseur buyer sa nasabing operasyon.

-Leandro Alborote
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog