Binuksan ng Judicial and Bar Council ang aplikasyon at nominasyon para sa mga bakanteng puwesto sa Court of Appeals at mga Regional Trial Court sa NCR, Region 6 at Region 8.

Sa apat na pahinang abiso na ipinalabas ni Supreme Court Clerk of Court at JBC ex-officio Secretary Edgar Aricheta, may isang bakanteng puwesto para sa pagka-mahistrado ng Court of Appeals dahil sa pagkakatalaga kay dating CA Associate Justice Socorro Inting bilang Comelec Commissioner.

Umaabot naman sa 42 ang bakanteng puwesto sa mga hukom sa iba’t-bang korte sa NCR.

Itinakda ng JBC ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon at mga requirement sa Hulyo 10, 4:30 hapon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inanunsyo rin ng JBC ang muling pagbubukas ng aplikasyon sa 10 judgeship position sa mga korte sa Regions 6 at 8. Tatanggap sila ng mga aplikante hanggang sa Hunyo 25.

-Beth Camia