BALIK-ASAP na si Sarah Geronimo last Sunday.

SARAH

Halatang na-miss nang husto ng Pop Princess ang mga kasamahan sa show at pati na rin ang pagho-host. Tuwang-tuwa si Sarah sa mainit na pa-welcome sa kanya nina Luis Manzano, Robi Domingo at Piolo Pascual.

Ito ang unang pagkakataon na muling napanood si Sarah sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN after ng breakdown niya sa concert sa Las Vegas.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

“Sobrang na-miss ko din talaga ang mag-ASAP. Maraming salamat at nandito ako ulit. Sa lahat ng nanood na mga kapamilya natin sa US ng concert ko po, thank you,” sey ng singer/actress.

Nabanggit ni Luis nang makausap namin na naramdaman niya na sabik na sabik si Sarah sa pagbabalik sa ASAP.

“No matter what achievement, I will always be proud of Sarah. ‘Yung friendship namin goes past all the cameras that you see,” sey ni Manzano.

Puwede ba silang magkaroon ng show ni Sarah together?

“Okey lang naman. Pero nasa management ‘yan. Gusto ko rin namang makatrabaho si Sarah sa isang game show o musical show,” sabi ni Luis.

Sa movies kaya, possible rin silang magsama ni Sarah?

“Malabo siguro. Hindi tayo pang-actor,” natawang sagot ni Luis.

Samantala, magiging visible si Sarah sa mga susunod na araw dahil sa promo ng kanyang pelikulang Miss Granny na nakatakdang ipalabas sa August 22.

-JIMI ESCALA