Masusing binabantayan ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin kasunod ng tuluy-tuloy na pagtaas ng produktong petrolyo, bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Paglilinaw ni Trade & Industry Secretary Ramon Lopez, sa ngayon ay wala pa naman silang natutukoy na negosyante na nagsasamantala sa sitwasyon.

Bawat linggo, aniya, ay umaabot sa mahigit 400 tindahan ang pinupuntahan ng DTI para sa monitoring, pero lahat naman ay sumusunod sa ipinaiiral na suggested retail price (SRP).

Nilinaw naman ng kalihim na hindi saklaw ng DTI monitoring ang mga sari-sari store.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinaplano na rin ng DTI na gumawa ng hakbangin upang masunod ang SRP kahit na sa mga sari-sari store.

-Beth Camia