MEDYO tumaba si Anne Curtis, halata sa mga bago niyang litrato na nadagdagan ang timbang niya. Sa isang photo, kita ang puson ni Anne at sa picture na magkatabi sila ni Marian Rivera sa launching nila bilang endorser ng Ajinomoto, lalong nahalata ang paglaki niya. Pero sabi niya, hindi siya mataba, “chubs” lang.

ANNE

Ang isa sa mga dahilan ng pagtaba ni Anne ay nang sumali siya sa marathon dahil kinailangan niyang mag-load ng carbohydrates para sa resistensiya. Obviously, hindi pa naaalis ang calories na naidagdag dahil sa carbo intake.

Sa Instagram, may ipinost na video si Anne kung paano siya nagwu-workout. Sabi niya, ang goal niya is to lose 15 lbs. That was a few weeks ago, siguro naman by this time, nabawasan na ang 15lbs. na kailangan niyang alisin.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“FB reminded me of my best bod 7 years ago. Goal is to lose the 15lbs! #NotPregnantJustChubs. Gonna get it!!!! Time to put the hard work in!,” post nito.

Anyway, bukas na ang opening ng Sid & Aya (Not A Love Story), ang pelikula nina Anne at Dingdong Dantes sa direksiyon ni Irene Villamor. Malalaman na kung ano ang talaga ang concept ng pelikula at kung ano ang role ni Anne bilang si Aya na sumusulpot sa kinaroroonan si Sid (Dingdong).

–Nitz Miralles