Tinukoy ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang 3,377 kumpanya na kumpirmado at pinaghihinalaang nagsasagawa ng labor only contracting (LOC). Ito ay mula sa 99,526 establisimyento na ininspeksiyon mula Hunyo 2016 hanggang Abril 2018.

Sa 3,377 kumpanya, sinabi ng DoLE na 2,610 ang pinaghihinalaang sangkot sa LOC at 767 ang napatunayang nagsasagawa nito.

Ayon sa DoLE, ang Top 20 kumpanya na may pinakamaraming apektadong manggagawa ay ang mga sumusunod: Jollibee Food Corporation, 14,960; Dole Philippines, 10,521; PLDT, 8,310; Philsaga Mining Corporation, 6,524; General Tuna Corporation, 5,216; Sumi Phils Wiring Systems Corporation, 4,305; Franklin Baker Inc, 3,400; Pilipinas Kyohritsu Inc, 3,161; Furukawa Automotive Systems Phil Inc, 2,863; Magnolia Inc, 2,248; KCC Property Holdings Inc, 1,802; Sumifru Philippines Corp, 1,687; Hinatuan Mining Corporation, 1,673; KCC Mall De Zamboanga, 1,598; Brother Industries (Philippines) Inc, 1,582; Philippine Airlines at PAL Express, 1,483; Nidec Precision Philippines Corporation, 1,400; Peter Paul Phil Corporation, 1,362; Dolefil Upper Valley Operations, 1,183; at DOLE Stanfilco, 1,131.

Nang tanungin kung ano ang mangyayari sa mga kumpanyang nasa listahan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na aatasan ang mga ito na i-regular ang mga manggagawa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Compliance within a month would already be acceptable, but not in a year’s time,” aniya sa press briefing kahapon.

Idinagdag niya na may ibang kumpanya na nagsimula nang i-regular ang kanilang mga empleyado. “Maybe if they can regularize ten percent of the total number of their employees every year we will accept that.”

-Leslie Ann G. Aquino at Mina Navarro