CONGRATULATIONS! Right after natapos ang airing ng romantic-comedy series na The One That Got Away last May 18, agad itong tumanggap ng parangal mula sa 2018 US International Film & Video Festival, last May 22.

Cast ng 'TOTGA'

Malaking karangalan ito para sa lead actors ng serye na sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos. Nag-post agad si @dennis trillo sa Instagram ng: “The One That Got Away,” Silver Screen Awardee for Entertainment: Dramatic Comedy Category.”

Tanging ang kanilang serye lamang ang nag-iisang tumanggap sa Pilipinas ng mataas na parangal. Binati sila agad ni Ms. Lilybeth G. Rasonable ng GMA Entertainment Content Group. Naka-tag din ang bumubuo ng production, sina Director Mark Sicat dela Cruz at Conrado Peru at credits sa mga Producers na sina Lilybeth Rasonable, Redgie Magno, Chery Ching-Sy, Hazel Abonita, Michelle Borja.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ipinost ni Ms. Lilybeth na tumanggap din ang Pepito Manaloto ng Certificate for Creative Excellence. Ang Alaala: The Martial Law Special docu-drama ni Alden Richards naman ang ginawaran ng Gold Camera Award.

May mga nagri-request tuloy na gawan daw ng part two ang The One That Got Away with the same cast at mas maganda raw kung buhay may-asawa na nina Dennis at Lovi, Rhian at Jason Abalos at Max at Ivan Dorschner.

Tiyak na lalong magiging riot kung kasama pa rin at magiging pakialamerang lola si Snooky Serna.

-Nora Calderon