Pinagtibay na ng Kamara ang panukalang batas na nagpapahintulot sa mga empleado sa pribadong sektor na magtrabaho sa labas ng tanggapan sa pamamagitan ng “telecommuting.”

Inilalarawan ng House Bill 7402 o “Telecommuting Act” ang telecommuting na isang “flexible work arrangement that allows an employee in the private sector to work from an alternative workplace with the use of telecommunication and/or computer technologies.”

Inakda ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, isinasaad dito na maaaring mag-alok ang employer sa pribadong sektor ng telecommuting program sa mga kawani nito sa pamamagitan ng voluntary basis, at sa mga termino at kondisyon na kapwa nila napagkasunduan.

Ang naturang mga termino at kondisyon ay dapat na tumatalima sa minimum labor standards ng batas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang dito ang “compensable work hours, minimum number of work hours, overtime, rest days, and entitlement to leave benefits.”

-Bert de Guzman