Ni NITZ MIRALLES

NAKITA namin ang ilang photos na kuha sa pictorial nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez para sa gagawin nilang Regal Entertainment movie na Love & Lust. Sexy ang tema ng movie, kaya sexy rin ang pictorial at kapansin-pansin sa ilang litrato na braless si Sanya, halata ang nipples nito sa suot na white t-shirt.

Untitled-32 copy

Napa-comment tuloy ang isang reporter na nakakita sa mga litrato na parang gumanti kay Rocco Nacino si Sanya at iniinis nito ang former love team. 

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

In-unfollow kasi ni Rocco si Sanya sa Instagram at dinelete ang pictures nila dahil daw sa girlfriend ng aktor.

Hindi man magsalita, tiyak na nainsulto si Sanya sa ginawa ni Rocco dahil trabaho ang love team nila, for reel at si Melissa Gohing ang for real ng actor.

Anyway, para siguro ipakita kay Rocco na hindi kawalan kay Sanya ang pagkalas ng aktor sa love team nila, magpapaka-daring ang dalaga sa nabanggit na pelikula. Nagpatikim na nga siya sa pictorial pa lang, sayang at bawal pang ilabas ang mga litrato na braless si Sanya.

Ang Love & Lust ay sa direction ni , her second movie for Regal Entertainment. Hindi lang si Sanya ang magpapaka-daring, pati si Derrick na willing maghubad at nagbirong payag sa butt exposure.

Sanay naman na ang fans ni Derrick na makita siyang hubad dahil ilang beses na siyang may topless scene at ibinubuyanyang ang abs sa Inday Will Always Love You.