BILANG bahagi ng inaabangang 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), magkakaroon ng special screening para sa dalawang nominadong Best Film sa two-day workshop ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Mapapanood ang Deadma Walking ng T-Rex Entertainment sa May 26, 6 PM , at Birdshot ng TBA Production sa May 27, 6 PM , sa Cinematheque Center Manila ng FDCP.

Ang libreng film showing ay bahagi ng #playitright anti-piracy campaign ng Globe.

Ipalalabas ang dalawang nominadong pelikula pagkatapos ng nakatakdang seminar-workshop ng FDCP para sa mga film enthusiast.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa May 26 (9 a.m.-12 noon ), tatalakayin ang aspeto ng Musical Score kasama si Teresa Barrozo; at Sound Design ( 2 p.m.-5 p.m. ) kasama si Immanuel Verona.

Sa May 27 (9 a.m.-12 noon ), magkakaroon ng workshop sa Acting kasama si Anthony Falcon; at Cinematography ( 2 p.m.-5 p.m. ), sa pamamahala ni Rain Yamson II.

Samantala, bago ang The EDDYS, nakatakdang idaos ang Nominees Night sa June 3, 5 PM , sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Makakatuwang pa rin dito ng SPEEd ang FDCP, kung saan ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at ni Chairman Liza Diño ang certificates of nomination sa lahat ng mga nominado.

Ang awards night para sa 2nd EDDYS ay magaganap sa darating na Hulyo, sa pakikipagtulungan nina Chairman Liza at Globe Senior Vice-President Yoly Crisanto.

Pagkatapos ng awards night, magkakaroon ng bonggang after-party na tatawaging The EDDYS Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.

Sa direksiyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula noong 2017.

Ang Globe Studios ang major presenter habang ang fastest-growing FM station na Wish 107.5 naman ang hahawak sa production ng 2nd EDDYS.