PILI, Camarines Sur – Bulagta ang isang hinihinalang miyembro ng Larangan 1, KP2 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) ng New People’s Army (NPA) sa 20 minuto

ng bakbakan, nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Captain Joash Pramis, Division Public Affairs Office (DPAO) chief ng 9th Infantry Division of the Philippine Army sa Pili, Camarines Sur, nasa 20 miyembro ng NPA ang nakaengkuwentro ng Charlie Company of the 83rd Infantry Batallion sa Sitio Pagsurungan, Barangay Lidong, Garchitorena, Camarines Sur.

Aniya, walang nasaktan sa puwersa ng gobyerno habang isang hindi pa nakikilalang bangkay ng hinihinalang rebelde ang narekober sa pinangyarihan.

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

-Niño N. Luces at Ruel Saldico