Pinaalalahanan kahapon ng Department of Education (DepEd) ang mga pribadong paaralan na pinayagan nilang magtaas ng matrikula para sa School Year 2018-2019 na dapat na mapunta sa suweldo ng mga guro ang 70 porsiyento ng idinagdag sa kani-kanilang matrikula.

Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, nagpasya ang kagawaran na payagan ang mga pribadong paaralan na makapagtaas ng mula 5% hanggang 15% ng matrikula ng mga ito upang maging “competitive” ang sahod ng mga guro ng mga ito sa suweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Sinabi ni Umali na ang 20% naman ng tuition hike ay maaaring ilaan sa pagpapaganda sa school facilities, habang ang natitira pang 10% ay pinahihintulutang mapunta sa kita ng paaralan, o return of investment.

Matatandaang 170 pribadong paaralang elementarya at sekundarya sa National Capital Region (NCR) ang pinayagan ng DepEd na makapagtaas ng matrikular ngayong school year.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Mary Ann Santiago