MALASIQUI, Pangasinan – Timbuwang ang isang barangay kagawad habang sugatan naman ang kasama nito matapos pagbabarilin sa Brgy. Binalay kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Jimmy de Luna, 51, dead on arrival, habang sugatan naman si Ervin Chiong, 41.

Base sa imbestigasyon, kausap ng biktima ang kanyang kabaro at ilang residente sa harap ng kanyang bahay nang sumulpot ang suspek at tatlong beses pinaputukan si De Luna, bandang 10:20 ng umaga. Nadaplisan naman ng bala si Chiong.

-Liezle Basa Iñigo
Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak