Dalawang lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Pasay at Taguig City nitong Martes ng gabi at kahapon ng madaling-araw.

Sa report ng Southern Police District (SPD), naglatag ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drugs Enforcment Unit (SDEU) ng Pasay City Police sa Humilidad St., Barangay 14, Zone 1, na ikinaaresto ng suspek na si Joey Victor Gonzales,alyas Joey, 50, dakong 2:15 ng madaling-araw.

Binentahan umano ng suspek ang isang police poseur-buyer ng P500 halaga ng shabu na sanhi ng kanyang agarang pagkakadakip.

Nasamsam din kay Gonzales ang isang cliaber .9mm pistol,ilang pakete ng shabu na may street value na P71,000 at P500 buy-bust money. Nadakip naman sa pangunguna ni Senior Insp. Inomis ang suspek na si Fernando Manuel y Estacio,30,sa kanyang bahay sa No.95 MLQQ St., Bgy. Hagonoy,sa Taguig City,bandang 8:30 ng gabi ng Martes. Nakakulong ngayon ang mga suspek sa detention cell ng naturang pulisya at nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Bella Gamotea