TALAVERA, Nueva Ecija – Bumulagta ang isang umano’y drug pusher makaraang manlaban umano sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Talavera Police sa ikinasang buy-bust ng mga ito sa by-pass road sa Barangay Calipahansa, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Supt. Joe Neil E. Rojo, hepe ng Talavera Police, ang suspek na si Pablito Sison Jr., y Pablo, binata, residente sa nasabing barangay.

Nabatid na dakong 4:20 ng umaga nang nakahalata umano si Sison na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya nagtatakbo sa highway sabay bunot umano ng .38 caliber revolver para paputukan ang mga pulis, na bumaril din sa kanya na kanyang ikinasawi.

Nakarekober umano ang mga awtoridad sa crime scene ng apat na basyo ng .9mm caliber pistol, Kawasaki tricycle (1570-ZR), isang .38 caliber revolver na may tatlong bala, tatlong sachet ng hinihinalang shabu, at P500 marked money.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

-Light A. Nolasco