Nahaharap sa kasong estafa ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos umanong mambiktima ng kapwa niya OFW sa Dubai United Arab Emirates (UAE), sa modus operandi na nag-aalok mamuhunan sa negosyo na umano’y may malaking pagkakakitaan.
Nasa P3,558,000 cash ang tinangay ng suspek na si Romelie Carmel Escolano Hajri, broker ng San Vicente Ogbon Nabua, Camarines Sur, sa biktimang si Rachel Anne Caca, ng Laurel Street, Tondo, Maynila.
Nagkakilala ang dalawang OFW sa Dubai at kinumbinse ng suspek ang biktima na mamuhunan sa kanyang kumpanyang Soybean Magic Catering Services LLC at Soybean Taho franchising business na may puwesto sa Dubai.
Da h i l ma g k a b a b a y a n , naengganyo ang biktima at nagtiwala dahil na rin sa kikitain nitong 50 porsiyento sa puhunang P3,558,000.
Ma t a p o s i b i g a y a n g napagkasunduang puhunan ay binigyan si Caca ng security check sa pangalan ng kumpanya ng suspek.
Makalipas ang ilang buwan ay kinumusta ng biktima ang takbo ng negosyo at nabalitaang hindi umano ito kumikita.
Sa mga sumunod na araw ay hindi na umano makita at ma-contact ang suspek na nagtago at umuwi sa Pilipinas.
Dahil dito, sinampahan ni Caca si Hajri ng kasong kriminal sa korte ng Dubai at nakipag-ugnayan na rin siya sa Dubai Interpol.
Una nang nagharap ng reklamo ang biktima sa tanggapan ni Pangulong Duterte, sa pamamagitan ng Presidential Complaint Center ng Office of the President sa Malacañang, laban sa suspek.
Kasabay nito, nakipag-ugnayan na rin ang biktima sa Pilipinas at inihahanda na ang reklamong isasampa sa National Bureau of Investigation (NBI).
Samantala, ang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek ay may nakalaang pabuya at maaaring tumawag sa 0956-5126768.
-MINA NAVARRO