HINDI man lamang itinatanggi ni Nick Jonas ang mga usap-usapan na maaaring kinakausap niya ang newly-single na si Jenna Dewan.

Jenna Dewan at Nick Jonas

Ayon sa ulat ng Elle, nagkomento ang singer sa Instagram photo na ipinost ni Dewan para sa Billboard Music Awards. “Billboard Awards -- ‘twas such a fun night!!! Thank you for having me! #bbmas,” post nito. Ang komento naman ni Jonas, “’Twas. ‘Twasn’t it.” Napansin naman ito ng stylist ni Dewan na si Brad Goreski at sinabing, “Omg nick Jonas commented!!!!”

Maaaring inosente si Jonas, ngunit maaari ring nagpapadala siya ng mensahe sa DM ni Jewan, at nagtatangkang makipag-date. Ngunit ayon sa report ng Us Weekly, hindi lamang kay Dewan ang nagpaparamdam si Jonas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Iniulat ng outlet nitong nakaraang linggo na nagtatangka si Jonas na makipagbalikan sa kanyang ex-girlfriend na si Olivia Culpo. “He reached out a couple weeks ago via text trying to reconnect,” lahad ng source sa outlet. Nila-like rin ni Jonas ang kanyang mga Instagram photo, na isang public way ng pagpapakita ng kanyang interes:

Binanggit din ng source na si Culpo ay, “absolutely no interest” na makipagbalikan sa kanya dahil, “he treated her badly when they broke up.”

-Elle