Tumimbuwang ang isang ginang makaraang barilin ng hindi kilalang motorcycle rider habang nagte-text sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi.

Binawian ng buhay nang madala sa Pasay City General Hospital si Carol Briones, 42, ng Orion Street, Barangay 67, dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib mula sa hindi pa tukoy na baril.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng nag-iisang suspek, na sakay sa motorsiklong walang plaka.

Sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIMB) ng Pasay City Police, dkaong 8:45 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa panulukan ng Arnaiz Avenue at Orion Street sa Bgy. 67.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakaupo si Briones sa isang nakaparadang motorsiklo habang nagte-text nang biglang sumulpot ang armadong suspek at ilang beses na binaril ang ginang, bago tumakas.

Inaalam na ng awtoridad kung may kuha ng closed circuit television (CCTV) camera sa lugar, kabilang na ang dinaanan ng suspek, upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

-Bella Gamotea