Dalawang construction worker ang sugatan matapos na saksakin ng basag na bote ng kanilang katrabaho nang magkapikunan sila habang nag-iinuman para sa selebrasyon ng pista sa Barangay Pag-asa, Mandaluyong City, nitong Linggo.

Arestado ang suspek na si Edgar Sale at sasampahan ng kaukulang kaso habang sugatan naman ang kanyang mga kainuman na sina Eduardo Ortega at Elorde Pagahid, na pareho pang ginagamot sa ospital.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong 5:45 ng hapon at masayang nag-iinuman ang tatlo sa Macopa Compound, Gabbys Street sa Bgy. Pag-asa, dahil pista sa lugar.

Gayunman, nagkapikunan ang mga ito, nagtalo, hanggang basagin ng suspek ang nadampot na basyo ng bote at pinagsasaksak ang mga kainuman.

National

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa -- PAGASA

-Mary Ann Santiago