Nagsasagawa ng road reblocking at pagkukumpuni ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila simula 11:00 ng gabi nitong Biyernes hanggang 5:00 ng umaga sa Lunes, Mayo 21.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), apektado ang southbound ng EDSA mula sa Arayat Street hanggang P. Tuazon; Visayas Avenue, outer lane; at EDSA Eugenio Lopez St., pagkatapos ng Scout Borromeo.

May road repairs din sa northbound ng EDSA, sa harapan ng Vertis North hanggang Trinoma Mall; Quirino Highway, mula sa T. Carreon hanggang Pagkabuhay Road; España Boulevard patungong Quiapo, bago mag-A.H Lacson Avenue; A. Bonifacio Avenue, Quezon City; at Congressional Avenue, ikatlong lane.

-Bella Gamotea
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter