LIPA CITY, Batangas - Nadakip ng pulisya ang isang most wanted nang magsagawa ng operasyon sa Barangay Marawoy sa Lipa City, nitong Miyerkules.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Aries Alikpala, 33, tubong Lemery, Batangas at taga-Marawoy, Lipa City.

Nagsagawa ng operasyon ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa bahay ng suspek bandang 8:35 ng umaga.

Hawak ng arresting officer ang warrant of arrest, na inilabas ng Lipa City Regional Trial Court, at inaresto si Alikpala.

Probinsya

Babaeng hinihinalang lasing, nandura ng deboto ng Sto. Niño, nanakit din ng pulis!

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

-Lyka Manalo