KUMPIYANSA si Team Lakay star Eduard ‘The Landslide’ Folayang na maibabangon ang career sa ONE Championship sa pagbabalik arena laban sa walang talong si Kharun Atlangeriev sa ONE: UNSTOPPABLE DREAMS ngayon sa Singapore Indoor Stadium.

“Sa buhay hindi palaging nanalo pero hindi rin palaging natatalo. Ganun talaga yun,” pahayag ni Folayang, patungkol sa kabiguan natamo kay EV Ting sa PNE Lightweight World Championhip nitong Abril.

“Si Honorio (Banario) din, after niya makuha yung belt, sunod sunod na talo and then nag bounce back. As (once) a champion, gusto ko talagang manalo at makapagbounce back pero hindi natin alam ang mangyayari,” aniya.

Tunay na kasaysayan ang pagbabasihan ni Folayang.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Natikman din niya sa harap ng mga kababayan ang kabiguan (TKO) kay Timofey Nastyukhen. Ngunit, hindi naging daan ang natuang pagsubok para iskuko ni Folayang ang career.

Laban sa pamosong si Shinya Aoki ng Japan, nakamit ni Folayang ang ONE title sa impresibong panalo.

“Handa naman tayo lagi. Kaya nating magbalik. Ganito naman sa sports, may panalo at may talo. Pero ang importante kung paano tayo babangon,” sambit ni Folayang.