Pinagdadampot ang tatlong katao, kabilang ang isang babae, matapos maaktuhang bumabatak ng ilegal na droga sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Nakapiit ngayon sa Pasay City Police sina Kevin Imperial y Victor, 18; Miguel Francis y Alcantara, 20; at Angel Ablola y Hermano, 18, pawang ng Gamban Street, Barangay 138 ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)- Station 5 ang mga suspek sa Gamban St., sa Bgy.136, dakong 3:50 ng madaling araw.

Nagpapatrulya ang awtoridad sa lugar nang maaktuhang sumisinghot ang mga suspek ng hinihinalang marijuana.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi na nakapalag ang mga ito nang posasan ng mga pulis.

Sasampahan ang tatlo n g kasong paglabag s a Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-Bella Gamotea