FAMILIARITY ang magiging sandalan ng Pilipinas sa pagbubukas ng 17th World University Golf Championships ngayon sa Pradera Golf and Country Club sa Lubao, Pampanga.

Sa pangunguna ng tatlong lalaki at dalawang babae na student-athletes, umaasa ang mga Filipinos na magpakita ng kakaibang gilas sa apat na araw na kumpetisyon na itataguyod ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) sa pakikipagtulungan ng FISU (Federation Internationale du Sports Universitaire).

Sasandal ang bansa sa mga kamay nina Jonas Christian Magcalayo ng Mapua, Ruperto Zaragosa ng Lyceum of the Philippines at Lanz William Uy ngTechnological University sa men’s division; at Annika Victoria Guangko at Denize Angela Pineda, kapwa ng De La Salle University-Manila, sa women’s category.

Sa lima, si Magcalayo lamang ang may karanasan na sa FISU-organized golf competitions.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Si Magcalayo, ang 21-taong-hulang na estudyante ng Mapua, ay umiskor ng three-round total na nine-over par 225 sa nakalipas na 2017 Taipei Universiade golf tournament sa Sunrise Golf at Country Club sa Taoyuan, Taiwan.

“Ang limang (Filipino) players ay nangangako na gagawin ang lahat nilang makakaya para bigyan ng karangakan ang ating banda,” pahayag ni FESSAP honorary president David Ong.

Una dito, ang world-class 18-hole golf course na matatagpuan sa Lubao, Pampanga ay umani ng papuri sa mga FISU officials, na dunalaw nung nakslipas na taon.

“I am quite impressed by this beautifully-designed golf course,” pahayag ni FISU Golf Technical Director Dominic Wall ng Australia.

“Expectations are high that the prominent university golfers from around the world will take part in this world competition to be showcased by the host country and FESSAP,” dagdag pa ni Wall, na ngayon ay naninirahan na sa Singapore.

Ang bayan naman ng Lubao ay kinikilala din hindi lamang sa Pampanga kundi sa buong bansa dahil sa dalawang naging Pangulo mula dito -- si Diosdado Macapagal (1961-65) at anak na si Gloria Macapagal-Arroyo (2001-10).

Nagpakira ng galak din si Lubao Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab sa kanyang bayan bilang host ng WUGC.

“My success is the success of the people of Lubao,” saad ni Mayor Pineda-Cayabyab, na aktibo din sa kanyang mga sports development projects sa Lubao.

Sa WUGC, may 21countries ang inaasahang lalahok sa men’s at women’s divisions.

Ang mga nasabing bansa ay ang Argentina, Australia, China, Czech, France, United Kingdom, Germany, Hong Kong, Israel, Japan, Korea, Malaysia, Netherlands, Nepal, New Zealand, Poland, South Africa, Switzerland, Chinese-Taipei, at United States.

Ang naturang prestihiyosong kumpetisyon ay huling ginawa sa Brive-la-Gaillard, France noong Hunyo 23-26, 2016 na kung saan may higit 80 kalahok.

Si Robin Dawson ng Republic of Ireland ang nagwagi sa men’s division, kasunod sina Xuewem Luo ng China at Yu-chen Yeh ng Chinese-Taipei.

Sa women’s division, puro taga Czech Republic ang naka Top 3 -- Karolina Vlckova Marie Lunackova at Koterina Vlasinova.

Sa team competitions, wagi ang France sa men’s division. Pumangalawa ang Republic of Ireland at pumangatlo ang Chinese-Taipei.

Sa women’team event, kampeon ang Czech Republic, kasunod ang Chinese Taipei at United States