BOSTON (AP) — Natigagal ang Cavaliers sa natamong 25 puntos na kabiguan sa Boston sa Game 1 ng Eastern Conference finals. Ngunit, sa kabila ng pagsadsad, nananatiling buo ang loob ni Kevin Love na makababawi ang Cavaliers.

THOMPSON: Inaasahang isasama sa starting line-up ng Cavaliers.

THOMPSON: Inaasahang isasama sa starting line-up ng Cavaliers.

May pinaghuhugatan si Love at ang numero unong dahilan ay si LeBron James. Alam ni Love na may kakayahan si James na ibaling sa kanilang panig ang pabor.

Napatunayan nila ito laban sa Indiana Pacers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginulantang ng Pacers ang Cavs sa first-round opener ng conference semifinals sa 18 puntos na bentahe. Sa Game 2, nasa kanyang elemento si James sa natipang 46 puntos at 12- rebound.

“I expect him to have a big response,” pahayag ni Love, patungkol sa kakayahan ni James na makabalik sa kanyang usual na lakas.

“He’s always done it. Even before he came back to Cleveland and since I’ve been here he’s always responded big. .... He’s going to approach this game as one that he’s going to have to lead and bounce back,” pahayag ni Love.

Ngunit, sakali mang makabawi si James sa Game 2 Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila) kakailanganin niya ang ayuda ng mga kasangga at klaro ito para sa Cavaliers.

Inamin ni Love na naging malamya ang simula ng Cavs sa Game 1. Kailangan nila ang bagong diskarte, at bagong line up sa starter.

Sinabi ni coach Tyronn Lue na plano niyang isama sa starting five sa Game 2 si Tristan Thompson para maipantapat kay Al Horford.

“It’s definitely something we have to weigh,” sambit ni Lues.

“We weighed it before the series started, but we’d won seven out of eight and we weren’t going to adjust until someone beat us and we didn’t play well with that lineup and that got us to this point.”

“We’ve got to help ’Bron,” sambit ni JR,Smith. “We can’t just expect him to do everything. As role players, we’ve got to play our role.”

Matikas ang performance ni Thompson mula sa bench Sa Game nitong Linggo (Lunes sa Manila).

“I think as a team, 1 through 5, we gotta all play tougher,” Thompson said. “Obviously, when I check in the game I try to bring that toughness and that energy. But our starters gotta be ready to throw the first punch. We need them to do that, we need them to be physical and set a tone early,” aniya