Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga employer na sundin ang alituntunin sa pagbabayad ng sahod para sa special non-working holiday ngayong Mayo 14.

Inilabas ng DoLE ang mga patakaran sa pagbabayad sa mga manggagawa na boboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, binibigyang-diin na ang mga manggagawa na papasok sa trabaho bago o pagkatapos bumoto, ay dapat bayaran ng wastong sahod at mga benepisyo.

Sa Labor Advisory No. 8, Series of 2018 na inilabas ni Acting Labor Secretary Ciriaco, nakasaad ang mga alituntunin sa pagpapasuweldo sa Mayo 14.

Ipatutupad ang “no work, no pay” principle, maliban kung may paborableng patakaran, kasanayan o kasunduan sa collective bargaining agreement (CBA) sa pagbibigay ng bayad sa isang espesyal na araw.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Para sa nagtrabaho sa special day, babayaran ang manggagawa ng karagdagang30 porsiyento ng kanilang daily rate sa unang walong (8) oras ng trabaho, at karagdagang 30% ng kanilang hourly rate para sa overtime work.

Ang mga nagtrabaho na tumapat sa kanilang araw ng pahinga (day off), ay babayaran ng karagdagang 50% ng kanilang daily rate sa unang walong (8) oras ng trabaho; at karagdagtang 30% ng kanilang hourly rate para sa overtime work. - Mina Navarro