Ni Fer Taboy
Dumami ang insidente ng pamamaril sa Bicol Region kaugnay ng pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections bukas.
Ito ang inihayag ng Police Regional Office (PRO)-5 kasunod ng naitalang 123 insidente ng pamamaril sa rehiyon simula Enero 1 hanggang Mayo 3, 2018.
Kabilang sa nasabing bilang ang 87 pamamaril na nauwi sa kasong murder, ayon kay Senior Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5.
May 20 kaso rin ng pamamaril sa Albay, lima sa Camarines Norte, 17 sa Camarines Sur, 39 sa Masbate, at anim sa Sorsogon, ayon kay Calubaquib.