NAKOPO ni Atty. Rolando Abo ang top honors sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Quezon City chapter All Lawyers Chess Tournament na ginanap sa Bacolod Chicken Inasal sa Quezon City Memorial Circle nitong Biyernes.

Nakaipon ang Bacoor, Cavite resident na si Abo ng limang puntos para magkampeon sa five-round tournament.

Naiuwi ng dating top player ng Manuel Luis Quezon University (MLQU) ang titulo plus elegant trophy sa kanyang effort.

Kabilang sa mga tinalo ni Abo ay sina lone female entry Atty. Bianca Cecilia Ladislao sa first round, Atty. Florendo Batasin Jr. sa second round, Atty. Jose Aspiras sa third round,

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Atty. Jerome Aragones sa fourth round at Atty. Philip King Cartagena sa fifth round.

Magkasalo naman sa ika-2 hanggang ika-3 puwesto sina Atty. Jerome Aragones at Atty. Jose Aspiras na may tig 3.5 puntos.

Ang iba pang lumahok ay sina Judge Hilario Laqui, Fiscal Judylito Ulanday, Atty. Jose Amado Genilo, Atty. Joselito Oliveros, Atty. Ronald Palad at Atty. Rodrigo Artuz.