Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Inihayag kahapon ni Transportation Secretary Arthur Tugade na target ng kagawaran na matapos sa 2022 ang unang dalawang runway na itatayo sa bahagi ng Manila Bay na saklaw ng Bulacan.

Pinangalanan itong New Manila International Airport, na ilalatag sa Manila Bay, na nasasakupan ng Bulakan, Bulacan.

Ang konstruksiyon ng runway ay inihayag ni Tugade sa pagpapasinaya sa Phase 2 ng Plaridel Bypass Road, kamakailan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Binanggit din ni Tugade ang suporta sa proyekto ngayong pormal na itong inaprubahan ni Pangulong Duterte, sa pulong ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board.