Ni REGGEE BONOAN

SA media launch ng pelikulang Kasal (mapapanood na sa Mayo 16) ay puro tungkol sa “pagpasok sa tahimik na buhay” ang itinanong sa mga bidang sina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay.

DEREK copy

Nasulat na namin na naniniwala si Bea sa kasal na wala pa siyang idea kung kailan mangyayari sa kanya na kaya siguro nasabi dahil nga hiwalay na sila ni Gerald Anderson – bagamat inaayos pa rin daw sila.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nasa proseso naman ang annulment case ni Derek na parating sinasabi na natagpuan na niya ang babaeng gusto niyang makasama sa buhay, ang long-time girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

Naniniwala ba siya sa kasal at magaganap ba ito sa loob susunod na limang taon?

“I don’t think naman aabot ng five years. I think before five years, nandu’n na ‘yun, sana. Kapag ganu’n, gawa na lang tayo ng pelikula. Kasal part two,” nakangiting sabi ng aktor.

Bagamat hindi naging matagumpay ang unang kasal ni Derek sa ina ng anak niyang si Austin, naniniwala pa rin siya sa kasal.

“I strongly believe in kasal. For me, kasal is complete commitment to your partner. There was a lot of hearsay that I don’t believe in marriage. That’s not true!

“My parents have been happily married for 40 plus years, so I have the perfect example to follow by. It’s probably taking so long because I wanna be sure. There’s no option for jumping into that and then, trying to build a ship,” sabi ng aktor.

Pabor ba siyang magkaroon ng divorce law sa Pilipinas?

“We’re the only country left in a bandwagon of having divorce legalized and with the globalization, you know, I think the country is ready. With that said, I don’t believe in it. But I would say that I think it will happen. You know, the world has become such a small space, it’s so easy to know anything and everything. f the entire world has jumped into that bandwagon, I think, we will, too. Sad to say. Again, I don’t believe in it. But we will end up with that.”

Habang tinatapos namin ang item na ito, nalaman naming in a month or so ay lalabas na ang resulta ng annulment case ni Derek sa nanay ng anak niya.

For the record, nasa ibang bansa na ang kanyang ex-wife at may iba nang pamilya