Ni ADOR SALUTA

NAKAPANAYAM ng GMA News si Benjie Paras at hiningan ng pahayag tungkol sa reconciliation ng dati niyang asawang si Jackie Forster at ng kanilang dalawang anak na sina Andre, 22 at Kobe Paras, 20 .

ANDRE KOBE AT BENJIE

“Tapos na po ang issue,” maikling tugon ng dating basketball superstar at comedian.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Bagamat matipid ang pahayag, damang-dama namang masaya siya sa pagkakaayos ng mag-iina.

“So, iyon po, narinig n’yo na po sa kanila, we’re all happy,” sabi ni Benjie na suking aktor ngayon ng ilang Kapamilya series.

Nauunawaan naman daw niya ang nangyari pagkatapos ilahad nina Andre at Kobe ang kanilang saloobin sa pagbabati nila ng kanilang ina.

Ayon sa magkapatid, pagpapatawad ang naging susi sa muling pagkakasundo nila.

Ayon kay Kobe, marami nang bagyong pinagdaanan ng kanilang pamilya, ngunit dumating sa punto na unti-unti nilang niyakap ang pagpapatawad.

“At least now, we’ve realized that we’re grown and we’ve been through a lot na,” ani Kobe. “You know, it’s time to forgive our mom. At least, we’re all happy.”

Ayon naman kay Andre, nag-mature na silang magkapatid kaya hinayaan na sila ng kanilang ama na gumawa ng sarili nilang desisyon.

Paliwanag ng nakakatandang anak, “Like what Kobe said, we’re more mature now and it’s our decision naman nung bata kami, you know.

“Dad was also there to respect our decision. So now, I believe it’s the right age, 20 and 22, mature na po kami.”

Pinasalamatan din ng dalawa ang kanilang stepmother na si Lyxen Diomampo na naiintindihan din ang kanilang desisyon.