Ni Fer Taboy

Inihayag ni Director General Aaron Aquino, ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na gagamit ng drone ang ahensiya para mapalakas pa ang operasyon laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Aquino, 20 units ng Mavic Pro drone ang binili ng PDEA para ipamahagi sa operating units upang mapalakas ang anti-illegal drug operations. Nagkakahalaga ng P100,000 bawat isa.

Sumalang sa seminar ang PDEA personnel para matutong magpalipad ng drone.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter