Ni Marivic Awitan

SA impresibong performance na halos katumbas ng laro ng isang import nitong nakaraang Linggo, nahirang si TNT Katropa ace guard Jayson Castro bilang PBA Press Corps Player of the Week sa Honda PBA Commissioner’s Cup.

(PBA Images)

(PBA Images)

Nalimitahan ang kanilang American reinforcement na si Jeremy Tyler sa dalawang puntos,ngunit handa si Castro para sa Katropa sa second half upang mapataob ang Barangay Ginebra, 96-92.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Binansagang “Blur”, nasa kanyang elemento sa second half ng naturang laro si Castro kung saan umiskor siya ng walong puntos sa third canto, bago pumukol ng back-to-back triples sa final period na nagpasiklab sa kanilang 11-1 run para ganap na makontrol ang laban.

Tumapos ang Gilas Pilipinas mainstay na may 27 puntos, 5 assists, 3 steals at isang rebound sa loob ng 28 minutong paglalaro upang maungusan para sa lingguhang citation sina GlobalPort’ guard Stanley Pringle at Sean Anthony, Rain or Shine forward Jay Washington, Alaska power forward Vic Manuel, Meralco’ guards Chris Newsome at Mike Tolomia atPhoenix shaprshooter Matthew Wright at Willy Wilson.

Dahil din sa effort ni Castro, nagsosolo na ngayon ang Katropa sa liderato taglay ang malinis na markang 3-0.