TUMAPOS ng tig 6.5 puntos matapos ang pitong laro sina Lyceum of the Philippines University (LPU) Manila top gunner Jonathan Maca Jota at dating National University (NU) mainstay Vince Angelo Medina para magsalo sa unahang puwesto sa tinampukang 1st Hon. Marcelo Predilla Gayeta rapid chess tournament nitong Linggo sa Sariaya Sports Complex, Sariaya Quezon.

Ayon kay Philippine Executive Chess Association (PECA) founding member Information Technology (IT) expert Joselito Cada na tubong Lucban, Quezon, sa ipinatupad ang tie break points naibulsa ni Jota ang titulo at premyong P4,000 sa event na inorganisa ng Sariaya Chess Club kung saan nagsilbing punong abala si Sariaya Mayor Marcelo Predilla Gayeta na ang layuning ay makatuklas ng bagong talento sa grass roots level, ma promote na din ang turismo ng magandang lugar ng Sariaya, Quezon at pagkabuklod buklod ng mga chess player partikular na mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at highly urbanized city ng Lucena (Calabarzon) area.

Naiuwi naman ni Medina ang runner-up purse P2,500 dahil sa kanyang effort sa Seven-Round Swiss System 25 minutes time control format.

Hindi naman nagpahuli ang ipinagmamalaki ng Mulanay, Quezon na si Reymond Jay Ompod ng Dela Salle Lipa sa paglikom ng 6.0 puntos tungo sa ikatlong puwesto.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!