TILA ang pagbisita sa gym lang ang pahinga ni Jennylyn Mercado sa kanyang busy schedule ngayong halos everyday siyang nasa taping ng GMA Primetime series na The Cure.

JENNYLYN copy

Palagi kasing workout sa gym ang featured sa kanyang Instagram stories at posts lately, kasabay ng pagpo-promote niya ng Kapuso program nila ni Tom Rodriguez. No wonder, isa si Jen sa itinuturing na #fitspo ng maraming fans lalo na sa kanyang maaksiyong mga eksena.

Bagamat nagpo-post ng sneak peek sa mga ginagawang training at routines sa gym, marami pa rin ang nakikiusap sa kanilang idolo na i-reveal ano ang buong exercise routines niya para naman daw magaya nila ang sexy and healthy body niya.
Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?