Ni REGGEE BONOAN

KUNG napanood sana namin ang panayam ni MJ Felipe sa TV Patrol nitong Martes kay Bea Alonzo na umaming hiwalay na sila ni Gerald Anderson, natanong sana namin ang dalaga sa media launch ng pelikulang Kasal kasama sina Paulo Avelino at Derek Ramsay nang gabi ring iyon.

BEA copy

Gusto naming isipin na pinanood muna nina Bea, Paulo at Derek ang TV Patrol bago sila pumasok sa venue ng presscon dahil may nagsabi sa aming nasa standby area lang muna ang tatlong bida ng Kasal.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sa iWantTV na namin pinanood ang panayam ni MJ kay Bea pagdating ng bahay at tila nadulas ang aktres sa pag-aming hiwalay na sila ni Gerald.

Tinanong ni MJ si Bea kung totoo ba na kapag tumuntong na ng edad 30 ang babae at hindi pa ikinakasal ay dapat nang kabahan.

“Ako, siguro, may kanya-kanya tayong timeline, ‘no,” sagot ni Bea. “I try not to get affected sa pressure na ‘binibigay sa akin ng society. May kanya-kanya tayong journey, eh.”

Follow-up question ni MJ: ‘Pero kayo pa rin ba ni Gerald?’

Nakangiting sumagot ang aktres ng, “Gusto ko ‘yung segue (tanong), ang galing mo talaga. Hindi sa ngayon.”

‘So, you’re single?’ diretsong tanong ni MJ.

“Technically, but of course we’re talking, we’re okay,” nag-alangan nang sagot ng aktres.

Tila nabigla ng bitaw ng sagot si Bea batay sa facial expression niya, pero hindi na niya mababawi pa siyempre dahil umere na nga sa TV Patrol.

Kaya pala pagkatapos ng Kasal presscon ay hindi na pinayagang makapanayam ng entertainment press at bloggers ang mga bida ng pelikula.

Sabi pa mandin namin kay Bossing DMB, sa sobrang ganda ng topic sa Q and A ay hindi naitanong kay Bea si Gerald o kung may plano na ba sila -- since ito naman ang tema ng pelikulang idinirek ni Ruel S. Bayani.

Iyon pala, wala nang pag-uusapan at walang magaganap ng kasal kina Bea at Gerald.

(Editor’s note: Kung hindi na magkakabalikan. E, feeling ko true love nila ang isa’t isa. Ewan ko lang. One-on-one interview naman tayo Bea, please.)

Samantala, nang matanong sa presscon tungkol sa mga balakin sa kasal, sabi niya, “Hindi ko masabi kung five years from now.”

Naniniwala rin ba siya sa long engagement?

“Ako naniniwala ako (na) dapat sinusunod mo lang ang nararamdaman mo sa bagay na ‘yan, like I have friends who are already married and sinasabi nila sa akin na kapag na-meet mo na ‘yung tamang taong para sa ‘yo, you just know when to get married, you just know when it will come. So, it’s something na hindi mo siya napaplano at hindi mo binibigyan ng deadline o timeline ‘yung sarili mo kasi sabi nila kapag biniyayaan ka ng tamang tao malalaman mon a lang na siya na ‘yun and when to get married.”

Anyway, ngayong 2018 ay ratsada sa paggawa ng pelikula si Bea dahil noong 2017 ay hindi siya nakagawa habang abala sa tapings ng A Love To Last na umabot ng walong buwan sa ere.

Kasama nina Bea, Derek, at Paulo sa Kasal sina Cherie Gil, Cris Villonco, JC Alcantara, Vin Abrenica, Ricky Davao, Ces Quesada, Celeste Legaspi, Kylie Verzosa, Bobby Andrews, Cai Cortez at Christopher de Leon.