Ni Jun Fabon

Agad ipinag-utos ni Quezon City Police District (QCPD) director Police Chief Supt. Joselito T. Esquivel ang massive manhunt operation laban sa riding-in-tandem na pumatay sa isang barker.

K i n i l a l a n g C r i m i n a l Investigation and Detection Unit (CIDU) ang biktima na si alyas Popoy, 31, na nakatira sa may tulay sa hangganan ng Sangandaan, Barangay Talipapa at Tandang Sora Avenue, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Julius Cesar Balbuena ng CIDU-QCPD, binaril ang biktima pasado 4:50 ng hapon kamakalawa.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Abala ang biktima sa pagtawag ng mga pasahero sa kanto ng Tandang Sora at General Avenue, Bgy. Tandang Sora nang hintuan ng riding-in-tandem at binaril sa ulo.

Ayon sa isang saksi, bumaba ang gunman mula sa hindi naplakahang motorsiklo at malapitang binaril ang biktima.

Siniguro pa umano ng suspek na patay na ang biktima saka muling sumakay sa nag-aabang na motorsiklo at humarurot.