Ni Light Nolasco

DINALUNGAN, Aurora - Dahil sa labis na kalasingan, patay ang isang binata nang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste ng kuryente sa Barangay Abuleg, Dinalungan, Aurora, nitong Linggo ng madaling araw.

Agad nalagutan ng hininga si Richard Quezon, ng Bgy. Simbahan, Dinalungan, dahil sa malaking sugat sa ulo at katawan.

Ayon kay Senior Insp. Arnold Gabrillo, hepe ng pulisya, binabagtas ni Quezon ang kalsada sa nasabing lugar nang sumalpok sa poste ng kuryente ang motorsiklo nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog